General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Hong Kong is experiencing the uncontrollable outbreak of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Sa mga nakalipas na limang araw ay hindi bumababa sa 100 ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 araw-araw sa Hong Kong ayon kay Zhang Zhujun, Director ng Infectious Diseases Division ng Hong Kong Center for Health Protection.

Kahapon ay nagtala ng 145 na bagong kaso ng COVID-19 ang Hong Kong kung saan 142 ay lokal na kaso at 59 naman ang inaalam pa kung saang mga lugar galing. Ayon kay Zhang, sa ngayon ay nawala sa control ang Hong Kong kaya inaasahan pa daw ang pagtaas ng bilang ng mahahawaan ng COVID-19 at aniya imposible sa ngayon na ma-predict  ang "trend" ng sakit na ito.

Ayon naman sa Hong Kong Health Protection Center, 56 out of 145 sa mga nagpositibo ay mula pagtitipon ng mga pamilya at mga kaibigan at 11 naman ay nakuha sa trabaho at mga restaurant.

Ayon naman kay He Wanxia, ​​chief administrative manager ng Hong Kong Hospital Authority, kahapon ng tanghali ay umabot sa 100 na mga pasyente ang naghihintay sa mga ospital para i-admit at 200 naman ang inilipat sa mga isolation ward, at nasa 10 naman ang inilipat sa mga pasilidad ng  Lei Yue Mun Resort. At kahapon rin dalawa ang nasawi, sa kabuuan ay umabot na sa 20 ang nasawi sa Hong Kong dahil sa COVID-19.

At dahil sa lamalalang sitwasyon ay muling nagpatupad ng mahigpit na regulasyon ang gobyerno ng Hong Kong kung saan bawal muna ang dine-in sa mga restuarant, at pinapayagan lang ang take-out. At bawal na rin ang mga public gatherings, at mula apat noon na pinapayagang magkasama, ngayon ay hanggang dalawa nalang ang pwedeng magkasama, ito'y para sundin ang social distancing at maiwasan ang pagkalat ng virus.

Hinimok naman ng Hong Kong government sa mga employer na gawing work from home muna ang kanilang mga empleyado ng sa ganun ay maging ligtas sila sa virus.

Matapos kahapon ipatupad ang mas pinaigting na regulasyon laban sa COVID-19, nagdagsaan naman ang mga mamili sa mga supermarket sa pangambang baka magkaroon ng lockdown.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive