General Information and other helpful jobs

Immigration officers in Taiwan disguises as customer to chased illegal migrant workers


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 24, 2020)- Ilang Immigration officer sa Chiayi County ang nag-disguise bilang isang customer para mahuli ang ilang illegal migrant workers.

Matapos makatanggap ng tip ang Southern District Affairs Brigade ng Immigration Department ng Chiayi County na meron daw grupo ng illegal migrant workers ang nag-uumagahan at namimili ng kanilang mga supply sa isang supermarket sa Xingang Township ay agad ikinasa ang isang operasyon. Nagpanggap bilang mga customer ang dalawa sa immigration officer at doon ay pinagmamasdan nila ang mga kilos ng pitong illegal migrant workers.

Ayon sa nagpanggap na customer ay hinaayan nila sa loob ng supermarket ang pito habang kumakain at namimili ng sandamakmak na supply. At ng makalabas na ito ng establisyemento bandang ala-6 at sasakay na sa kanilang sasakayan ay agad doon kumilos ang mga operatiba na naka-standby sa labas ng supermarket. Timbog ang pitong Indonesian, kung saan tatlo sa kanila ay naglayas sa amo at apat naman ay overstay na.

Ayon naman kay "Aman" isa sa mga nahuli, ay napakagaling daw ng ginagawa ng immigration officer dahil habang kumakain siya at ng mamili ng bibilhin ay nasa tabi niya daw ito at hindi manlang daw niya ito natunugan.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive