General Information and other helpful jobs

Isang delivery boy patay ng pagbabariling isang sundalo


Taipei (Hulyo 20, 2020)- Isang Delivery boy ng tubig ang bumulagta matapos barilin ng tatlong beses ng isang sundalo sa Davao City.

Nakilala ang biktima na si Ronnel Mabandos, 37 years old at ang suspek ay si Staff Sergeant Dino Demegilio Lambayon, 44 years old ayon kay Buhangin Police Station Commander Major Estrella Ramiso.

Nangyari ang pamamaril sa Westeria St., Phase 3, Deca Homes Esperanza, Brgy. Tigatto, Buhangin District, Davao City. Nag-ugat ang insidente ng bulihin ng biktima ang anak ng suspek. At nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pagbaril. Nagtamo ng bala ang biktima sa may ulo at kili-kili bahagi na agad binawian ng buhay.

Pero ayon sa imbestigasyon lumabas na may dati ng hidwaan ang dalawa dahil sa muntik ng masagasaan ng biktima ang anak ng suspek.

Kaagad naman sumuko ang suspek sa pulisya at nahaharap sa kasong murder.




Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive