General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang Pinay na niloko at binubugbog ng kanyang asawang Taiwanese humingi ng saklolo na mabawi ang kanyang anak


Isang Pinay ipinaglalaban ang karapatan sa anak laban sa kanyang Taiwanese na asawa.


Ayon sa Siklab Pinoy, isang pinay ang naninirahan sa Taipei na malapit sa Wan Long Elementary School. Nakapangasawa ito ng isang Taiwanese na nangangalang Hsiang Ou at nasa 40 years old na ang edad nito. 

Ayon sa kanya, isinama siya ng kanyang asawa sa Taiwan kasama ang kanilang anak. Sabi din niya, nagkaroon sila ng mis-understanding ng kanyang asawa na naging dahilan ng di nila pagkakaunawaan at nauwi sa di inaasahang pangyayari.

Aniya, tuwing magtatalo silang mag-asawa may mga panahon siyang sinasaktan at binubugbog nito. At dahil sa mga ginagawa nito sa kanya, kumuha siya ng picture at mga ebidensya laban sa kanyang asawa. 

At dahil sa nangyari na iyon ikinuwento niya na iniwan na sila ng kanyang asawa at wala man lang iniwan na kahit ano maging pera man at cellphone kaya minabuti na lang niya na umalis kasama ang kanyang anak. Sa pag-alis nila buti na lang at tinulungan siya ng ex-wife ng kanyang asawa na taiwanese din para maka-uwi sa Pilipinas. Ngunit naki-usap ito sa kanya habang nasa airport na iwanan na lang niya ang kanyang anak sa Taiwan habang siya ay maghahanap buhay muna sa Pilipinas at sa dahilang hindi niya rin ito maisasama sa pag-alis dahil ang bata ay isang taiwan citizen at kailangang dumaan sa tamang proseso bago ito mailabas ng bansa. 

At dahil magulo ang sitwasyon at wala itong pera para asikasuhin lahat ng dokumentong kakailanganin niya napilitan itong iwanan ang kanyang anak sa Taiwan. Dagdag aniya, maayos ang naging usapan nila ng ex-wife ng asawa niya bago siya tuluyang makabalik ng Pilipinas. At nangako siya dito na kukunin niya ang kanyang anak kapag nakauwi na siya sa Pinas ngunit pagdating niya dito blinocked at hinack na ang kanyang account kung kaya't nawalan siya ng kontak sa mga ito.

Ayon din sa kanya, ng makauwi siya ng Pinas kasalukuyang  nakaquarantine siya sa may clark airbase pampanga ng 2-3 days. Nang matapos ang quarantine period niya agad itong dumulog kay raffy tulfo at sa ibang netizen na sana ay matulungan siya nito na maibalik ng kanyang asawang Taiwanese ang kanyang anak sa piling niya. Lahat ng mga hinaing at sakit na kanyang naranasan sa puso at isip niya ay ibinahagi nito sa isang facebook account maibalik lang sa kanya si Ichika na kanyang anak.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive