General Information and other helpful jobs

Nag-viral na babaeng Chinese na nanakit ng traffic enforcers at isang biker sa Makati kinasuhan na!



Maynila-Kinasuhan na ng Makati City police ang isang babaeng nag-viral na diumanoy nagwala at nanakit ng enforcers at nadamay pa ang isang nagbibisikleta sa siyudad ng Makati.

Ang nasabeng babaeng Chinese na nakilala bilang si Dong Li 27, at residente ng Makati City ay sinampahan na ng kasong physical injury at disobedience to persons in authority itoy ayon kay Makati police chief Oscar Jacildo.

Matatandaang nag-viral si Li sa isang video kung saan nakitang hinahampas at sinisipa nito ang mga miyembro ng Public Safety Department ng Makati.Nasugatan din ang isang biker na si Jefferson Reyes na napadaan lang sa lugar na iyon at napagbalingan ng galit ng babae.

Ayon sa Makati police,pinigilang tumawid ng enforcer ang babae dahil naka-go ang mga sasakyan subalit nagalit ito at nagwala.Sa video ay makikitang namalo pa ng mga dumadaang sasakyan at pilit pa na itinumba ang ang isang signage ng babaeng Chinese na ito.

Hindi naman daw pinayagan ng PNP na isailalim sa psychiatric test ang babae upang malaman kung may problema ito sa pag-iicip.Kailangan pa umano ng court order para rito.

Source: ABS-CBN
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive