General Information and other helpful jobs

Philippines cases of COVD-19 possible to hit 90,000 at the end of August, says UP experts

Image credit to the owner

Taipei (Hulyo 7, 2020)- Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas maari daw umabot ng 90,000 sa katapusan ng Agosto, ayon sa mga eksperto mula sa University of Philippines Resilience Institute.

Base sa inilabas ng UP Resilience Institute, ngayong buwan ng Hulyo ay maari daw umabot sa 60,000 ang bilang ng COVID-19 sa bansa at sa buwan naman ng Agosto ay posible daw umabot mula 61,332-95,590 kaso.

Ayon kay Prof. Ranjit Rye, Assistant Professor ng Department of Political Science ng UP, dapat daw pag-aralan ng pamahalaan kung dapat nga bang luwagan ang galaw ng mga tao. At dapat daw ay mayroong dalawang linggo na may tuluy-tuloy na pagbaba ng kaso, at dapat rin daw ay meron 20,000 test na nagagawa araw-araw ang ating bansa. Sa ngayon kasi ay hindi lumalagpas sa 15,000 kada araw ang nagagawang COVID-19 test sa ating bansa. At dapat rin daw paigtingin ang contract tracing at isolation ng may sakit para hindi na sila makapanghawa pa.



"Hindi responsable na magbubukas tayo ng walang datos, wala tayong nagkikitang decline, hindi pa ho na-flatened ang curve. So kailangan ho eh, magdesisyon tayo base on a clear view kung saan ang pandemic" pahayag ni Prof. Rye.

Samantala ilang ospital sa bansa nagpahayag na ng pagkabahala dahil sa napupuno na ang kanilang mga "isolation ward" para sa mga may COVID-19.

Sinabi rin ng MalacaƱang na hindi kakayanin pa ng bansa ang ginagawang paghihigpit na gaya ng dati kung saan ang mga tao nasa bahay lang at karamihan ng mga negosyo ay sarado. Dahil lubhang maapektuhan na ang ekonomiya, pero kung dadami daw ulit ang kaso ng COVID-19 ay wala daw silang magagawa kundi limitahan ulit ang galaw ng mga tao.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive