General Information and other helpful jobs

Philippines has breached to more than 85,000 cases of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 29, 2020)- lagay ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw ng Miyerkules ay umabot na sa mahigit 85,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), Nagtala ng 1,874 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw kaya naman ang kabuuang bilang ay umakyat na sa 85,486. At 388 na bagong recoveries, sa kabuuan ay umabot na sa 26,996 ang mga gumaling.

Naitala ang pinakamataas na bilang sa Metro Manila na may 728 na kaso, 325 naman sa Cebu, 130 sa Laguna, 67 sa Iloilo at 53 naman sa Rizal.

Ang mga aktibong kaso ay nasa 56,528  na sumasailalim pa rin sa gamutan kung saan 90.1 porsyento ay mild lang, 9 porsyento ay asymptomatic, .05 porsyento ay severe at .04 porsyento ay nasa kritikal na kondisyon. 
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive