General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Philippines has recorded more than 38,000 recoveries from COVID-19, says DOH


Hsinchu (Hulyo 31, 2020)- Kasalukuyang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa mahigit 89,000 base sa datos na inilabas ng DOH ngayong hapon.

Nagtala ng  3,954 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa. Nilinaw ng DOH na 1,320 ang fresh case at 2,634 ang delayed validation. Sa ngayon ay nasa na 89,374 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala nagtala naman ng 38,075 recoveries ngayong araw. Sa kabuuan ay umabot na sa 65,064 ang mga gumaling mula sa sakit na COVID-19.

Nagtala naman ngayong araw ng 23 nasawi. Sa kabuuan ay nasa 1,983 ang nasawi sa buong bansa dahil COVID-19

Pinaliwanag naman ng DOH kung bakit ganoon kataas ang bilang ng mga gumaling. Ayon sa DOH ay nagkakaroon ng reconciliation sa kanilang mga datus at ang mga asymptomatic at mga nakatapos na ng 14 days quarantine period ay itinuturing na gumaling na mula sa COVID-19.

At ayon rin sa ahensya, updated na ang kanilang datus dahil ang mga ospital at laboratoryo ay direkta ng nakakapagasok ng kanilang mga data sa COVIDkaya platform kung saan real-time ang datus na makikita.


Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive