General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Possible blocking of "Social Media" sees in Hong Kong as the National Security Law took effect


Taipei (Hulyo 7, 2020)- Sa pagpapatupad ng kontrobersyal na National Security Law sa Hong Kong ngayong araw, ay hindi na masydong ma-enjoy ng mga residente ang kanilang "Online Messaging Freedom." Dahil simula ngayong araw ay may karapatan ng patawan ng parusa ang sinumang individual, service providers o kumpanya na lalabag sa Article 43 ng National Security Law.

Base sa Article 43, ang mga awtoridad ay binibigyan kapangyarihang arestuhin, manduhan ang kumpanya na alisin ang isang "online message o article" na maaring ikapahamak ng bansa. Sa ilalim rin ng batas na ito, may kapangyarihan ang mga awtoridad na manduhan ang mga publisher, o ano mang platform na alisin ang mapanirang artikulo na maaring ikapahamak ng publiko na maaring mauwi sa National Security Threat.

Halimbawa kung ang isang individual na nagpalabas ng mapanirang artikulo o mensahe na labag sa gobyerno at inutusan na burahin ng mga awtoridad ngunit hindi sumunod, siya ay maaring pagmultahin ng HK$100,000 (US$12,900) at isang taong pagkakakulong. At kung hindi naman susunod ang isang Service Provider ay maari rin patawan ng multa na hindi baba sa HK$100,000 at anim na buwang pagkabilanggo.

Sa ilalim rin ng Article 43, ang mga awtoridad ay binibigyan karapatan gumawa ng malawakang "online surveillance", karapatang i-interupt ang komunikasyon sa ilalim ng kapangyarihan ng Chief Executive.

Ayon naman sa Facebook, WhatsApp at Telegram ay hindi nila tatanggapin ang anumang "data user request" mula sa Hong Kong Goverment. Pinaninindidigan ng Telegram na hindi sila magbibigay ng ano mang data mula sa kanilang mga "Users" hanggat wala pang "consensus" na nakakarating at naiproproseso sa Interational Community ukol sa Political Landscape ng Hongkong. At ayon sa Telegram ay mas binibigyan karapatan at importansya ang mga users nila sa Hong Kong.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive