General Information and other helpful jobs

Promising test results shows in COVID-19 vaccine of Pfizer and BioNTech



Isang malaking kompanya na gumagawa ng gamot na kilala sa tawag na Pfizer at kasama nitong German na kompanya na BioNTech ay nag-ulat na ang apat na nauna nilang experimental COVID-19 vaccine ay kandidato na bilang gamot para panlaban sa naturang sakit. Nagpapakita na ito ng mga magagandang resulta mula sa 45 na katao na binigyan ng gamot na ito.

Sa mga naunang resulta, ang mga volunteer patients ay nakaramdam ng pagbabago sa kanilang kalusugan na nagpapakita na maganda ang resulta ng kanilang clinical trial sa naturang gamot.

Ang Associate Press ay nagpahayag na ang Pfizer at BioNTech vaccine ay gumagana gamit ang isang coronavirus genetic code, upang mahanda ang katawan ng isang tao na makilala at malabanan ang virus. 

Ang mga eksperto sa nasabing gamot ay hindi ginawa ang pangalawang pagbibigay ng mataas na dosage ng gamot dahil nagpakita ito ng injection reactions at hindi pangmatagalang benipisyo. 

Bawat pasyente ay nagpakita lamang ng iilang typical vaccine side effects, tulad ng nakararamdam ng sakit kapag binibigyan sila ng injection at kapag mayroon silang lagnat. Ang mga ulat at resulta ng nasabing gamot ay ipinasa na para sa publication sa isang scientific journal at para ma-review ng mga mga eksperto sa buong mundo. 

Maraming mga siyentipiko at pharmaceutical experts ang gumagawa ng hakbang at gamot para malabanan ang COVID-19 na nakaapekto na sa halos 11,000,000 na katao sa buong mundo.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive