General Information and other helpful jobs

Starting August Taiwan will open its border for "Medical and Schooling" purposes


Hsinchu (Hulyo 22, 2020)- Dahil sa kontrolado na ng bansang Taiwan ang sitwasyon hinggil sa COVID-19 ay maari na daw silang magpapasok ng mga Foreign Nationals sa Agosto na ang purpose ay "Magpagamot" at bukas na rin ang bansa para mga foreign students nais mag-aral. Lahat ng bansa ay pinapayagan makapasok ngunit may ibat-ibang antas o lebel ng quarantine period ang pagdadaanan depende kung saan bansa galing, ayon kay Minister of Health and Welfare and CECC head Chen Shih-chung (陳時中).

Babaan naman ang mga quarantine period ng mga bansang may mababang kaso ng COVID-19 gaya ng New Zealand, Macau, Palau, Fiji, Brunei, Vietnam, Thailand, Mongolia, Bhutan, Laos, Cambodia, Myanmar. At mas maiksi naman ang quarantine period ng mga bansang may Low- at medium-risk gaya ng South Korea , Japan, Malaysia, Singapore at Sri Lanka.


Palala pa rin ahensya na lahat ng mga parating sa bansa ay dapat sundin ang Health Protocol, kung masama ang pakiramdam o may sintomas na COVID-19 ay agad bigyan abiso ang mga Health personnel sa mga paliparan at dapat sundin quarantine period.

Kung nakaramdam naman ng mga sintomas ng COVID-19 matapos ang quarantine o nasa 'yung mga nasa tahanan ay bawal sumakay ng mga pampublikong sasakyan. Ang mabuti raw gawin ay tumawag sa mga Health Official na nasasakupan ng bawat counties at cities. At ugaliin rin maghugas ng kamay at social distancing at kung hindi masusunod ang social distancing ay mas mainam na magsuot nalang ng Face mask aniya.

Matatandaang noong katapusan ng Hunyo ay nagbukas na rin ng border ang bansang Taiwan para naman sa "Business purposes." 



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive