General Information and other helpful jobs

2 Pinoy returned to Taiwan has been positive of COVID-19



Hsinchu, Taiwan (Hulyo 24, 2020)- Dalawang Pinoy at isang Taiwanes ang nagpositibo sa COVID-19 ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC) ng Taiwan.

Base sa kanilang press briefing ngayon hapon ng Biyernes, kinumpirma ng ahensya na tatlo sa bagong imported na kaso ng COVID-19 sa bansa ay mga Pinoy na nagbakasyon galing Pilipinas. Dalawang lalaki nasa edad 50 at 30. At isang Taiwanes na babae na nasa edad 30.

Si Case 54 ay kababalik lang galing Pinas noong Hulyo 20, at nag-abiso sa mga quarantine personnel na masama ang pakiramdam, ngunit ng suriin ay nag negatibo pero dinala pa rin siya sa ospital para tingnan ulit at Hulyo 24 lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID-19. Aniya Hulyo 13, palang ay medyo masama na ang kanyang pakiramdam.

Samantala si Case 457 naman ay bumisita sa kanyang pamilya noong buwan ng Marso at kababalik lang sa Taiwan nitong Hulyo 13. Ngunit mula Hulyo 13-15 ay naging masama ang pakiramdam. Hulyo 17, ng magkalagnat si Case 457 at Hulyo 20 ng inabisuhan niya ang mga health Officer at nitong Hulyo 24 ay lumabas ang resulta na positibo sa COVID-19 ang pasyente.

Samantala ang pangatlo naman ay isang Taiwanes na nagtrabaho sa Pilipinas mula pa noong Enero at bumalik ng Taiwan nitong Hulyo 22. Sa Airport palang ay naabisuhan niya ang mga quarantine officer na nakakaranas siya ng mga sintomas ng COVID-19 Hulyo 14 palang.

Sa ngayon ay umakyat na 458 ang kabuuang kaso ng COVID -19 sa Taiwan. At 7 ang naitalang namatay sa bansa dahil sa naturang virus, habang nasa 440 ang na ang gumaling at nakalabas na ng pagamutan. Mayroon nalamang 11 na positibong kaso ang ginagamot parin sa mga ospital ngayon.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive