General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan experts suggest to bring back the strict regulation against COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Kahapon ay agad pinuntahan ng health and epidemic prevention personnel ng Taoyuan ang factory kung saan nagtrabaho ang Thai National na nagpositibo sa COVID-19.

Samantala pinapayuhan naman ang migrant workers na huwag munang gumala sa Taoyuan area dahil sa hindi pa matukoy kung saan nga ba nakuha ng Thai national ang COVID-19. Ibat-ibang mga dormitoryo sa Taiwan ang nagpalabas na mga babala na huwag muna pumunta sa Taoyuan.

Samantala ilang mga mambabatas sa Taiwan at mga health expert ay lubhang nabahala sa naging balita hinggil sa Thai National, ayon sa kanila ay kailangan daw tingnan ng Ministry of Labor ang kalagayan ng mga migrant worker. At alisin ang barrier sa medical treatment at dapat maging aktibo ang mga ito sa awtoridad at palawigin pa ang screening sa sektor ng migrant worker. Dahil ayaw daw nila mangyari ang nangyari sa Singapore kung saan nagkaroon muli ng outrbreak dahil sa mga foreign workers.

"We don't want Taiwan to have clusters of migrant workers like in Singapore. The Central Epidemic Command Center should prepare for the worst." ayon DPP legislator Hong Shenhan.

Sinabi rin ni Hong na ang mga migrant worker ay walang sariling tirahan kung saan siksikan ang tinutulugan at mabilis ang hawaan ng virus at hirap rin ito makakuha ng medical treatment sa mga ospital. At kung minsan ay kahit may sakit na ay pinapapasok pa rin mga kumpanya at kung saan nagkakaroon ng butas sa pagbabantay kontra COVID-19 at mahihirapan sa contract tracing.

Ayon naman kay Li Mingzheng, director of the Department of Infectious Diseases of Zhenxing Hospital, posible daw na lokal infection ang nangyari sa Thai national dahil asymptomatic ito. At kung mapapatunayan nga na lokal infection ito ay hindi malayo na maraming Taiwanese o nasa Taiwan ang mga asymptomatic sa COVID-19. Kaya iminumungkahi niya sa Central Epidemic Command Center na ibalik na ang mas maigting na regulasyon para maagang maiwasan ang COVID-19 outbreak sa bansa.


Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive