General Information and other helpful jobs

Taiwan hit the high record of 1,608 heatstroke related incident this summer


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan ngayon sa bansang Taiwan magtala ng mataas na bilang ng mga isinusugod sa mga ospital dahil sa heatstroke ayon sa CDC.

Mula Mayo hanggang Huly0 24, ay nagtala ang bansa ng aabot sa 1,608 kung saan mas mataas sa sampung taong nakalipas. At buwan naman ng Hulyo ng umabot sa 469 ang naisugod sa mga ospital dahil sa heatstroke.

Ayon sa Immdiate Epidemic Surveillance and Early Warning System ng Ministry of Health, sa 181 na mga ospital sa buong Taiwan mula Hulyo 1-24 ngayong taon ay umabot sa 659 ang isinugod sa mga emergency. Mas mataas kumpara sa nakaraang taon na 370 lamang. Hulyo 1-10 naman ay nagtala ng 190 ang isinugod sa mga ospital. Sa kabuuan ay umabot na sa 659 ang kaso ng Heatstroke.

Ayon kay Community Health Team ng National Health Agency Lou Suying, dahil sa summer at kaliwa't kanan ang mga outing ay kailangan isaalang-alang ang tatlong bagay, ang "replenish moisture, tamang oras at lugar, at sun protection." para tuloy ang ligaya sa summer.

At ayon kay Lou, kahit gaano ka pa daw ka aktibo ay kailangan pa rin daw na panatilihing "hydrate", kailangan hindi antayin na mauhaw bago uminom ng tubig. At maging habit dapat ang pag-inom ng tubig na hindi baba sa 2,000 cc kada araw. At iwasan daw ang pag-inom ng sobrang malamig na tubig, inumin lang ang natural na temperatura ng tubig.

Kung ang trabaho naman ay nasa ilalim ng araw at kung ikaw ay isang athleta ay kailangan daw dagdagan ng 2 hanggang apat na baso na tubig (isang baso ay 240cc) ang inumin sa isang araw. Iwasan ang pag-inom ng alak at matatamis na inumin para maiwasan ang lubhang pagkawala ng tubig sa katawan. Mas mainam daw ay kumain nalang nga prutas at gulay dahil may taglay itong natural na tubig.

Iwasan rin daw ang lumabas ng 10 am hanggang 2 pm dahil sa init, mas mainam daw gawin amg lakad sa umaga at gabi kung maari para iwas heatstroke. At kung lalabas naman para outing kailangan ay suotin ang mga light color lang na mga damit, magdala ng payong at iba pang mga protective gears panlaban sa init.

Kapag makaranas ng "sakit sa ulo, pagkabalisa, panghihina, o pamumutla ay agad magpahinga sa malamig na lugar.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive