General Information and other helpful jobs

Taiwan Labor Insurance eyed to increase its premium rates to 27.94%


Hsinchu (Hulyo 21, 2020)- Labor Insurance ng Taiwan nanganganib na ma-bankrupt sa taong 2026 ayon kay Minister of Labor Xu Mingchun.

Sa isang pahayag na isigawa ng Hit FM sa Taiwan, sinabi ng kalihim na nanganganib na maubos ang pondo ng Labor Insurance sa taong 2026 kapag hindi na ameyendahan ang bagong regulasyon ukol sa premium rates. Aniya ang kung hindi itataas sa 27.94% ang buwanang premium rates ay hindi matatakpan ang pagkalugi ng ahensya.

Ayon kay Xu kada taon ay nalulugi ang labor insurance ng NT$20 bilyon at kasalukuyang pondo ng ahensya ay nasa NT$700 bilyon nalang. Nagsimula daw ang pagkalugi noon pang 2017 kaya kung hindi ma-amyendahan ang naka-draft na proposal ay maaring umabot sa bankruptcy ang ahensya sa taong 2026.


Taong 2017 pa ng huling magpasa ng amendment ang ahenysa sa Legislative Yuan ngunit hindi ito natalakay. Sa ngayon ay nasa 10.45 milyong mga manggagawa, 570,000 insured units, lahat ng mga industries at mga classes ang nakarehistro ayon kay Xu.

Ngunit ayon naman sa Labor Management, sa ngayon ay hindi kakayanin ang 27.94% na labor premium rates increase kaya naman planong itaas muna sa 12% hanggang maabot ang 27.94%. Sa ngayon ay kailangan daw muna bayaran ng gobyerno ang luging NT$20 bilyon. At isasama sa taonang budget ayon kay Xu.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive