General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan marks its 91st day without local case of COVID-19


Taipei (Hulyo 8, 2020)- Ngayong araw ng Miyerkules ay may magandang balita ang CECC Taiwan. Dahil ngayong araw ang ika-91 na araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base sa datos na inilabas ng CECC ngayong hapon ng Miyerkules. Nasa 438 na ang nakalabas na mga pasyente. Matatandaang ang huling kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa ay 449, kung 358 dito ay bumiyahe sa labas ng bansa at 55 naman ay hindi umalis ng bansa, at 36 naman ay mula sa hanay ng Navy. At pito naman ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.


Ayon sa ahensya, sa kabuuan ay umabot sa 77,876 ang kanilang nasuri mula ng nagsimula ang pandemya at 76,942 ay negatibo.
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive