General Information and other helpful jobs

Taiwan Ministry of Labor urged the employers to have a larger sleeping quarters for Migrant Workers


Miaoli County ( Hulyo 3, 2020)- Simula sa Enero sa susunod na taon ay susundin na ng bansang Taiwan ang regulasyon hinggil sa tamang espasyo na tutulugan ng mga Migrant Workers, ito'y hango sa regulasyon mula sa International Labor Organization(ILO) Standard. Ayon sa Ministry of Labor (MOL).

Sa nakasaad sa regulasyon dapat ang isang migrant worker ay merong 3.6 square meters na espasyong tulugan. Layong bigyan ng palugit ang mga employer hanggang sa susunod na taon, Enero 1, 2021. Sa kasalukuyan ay karamihan ng mga Dormitories o sleeping quarter ay nasa 3.2 square meters lamang ang sukat.

Ayon rin sa ILO, ang kwartong para sa dalawahan ay hindi dapat baba sa 7.5 square meters ang sukat. At kapag lagpas apat naman ang titira sa isang kwarto, dapat nasusunod pa rin ang 3.6 square meters espasyo ng bawat isa.

Kasama sa bagong regulasyon ay ang mga Caregivers, Caretakers, at Industrial Workers ( Factory Workers). 

Ang mga employer na binigyan na mabibigyan ng Warning at hindi susunod sa regulasyon ay papatawan ng multa mula NT$60,000 hanggang NT$300,000.

Magiging epektibo ang regulasyon simula Enero 1, 2020.

Share:

2 comments:

  1. # 4-3 Yonghe Road Daya Dist. ,Taichung city 428 (r0c)

    ReplyDelete
  2. epektib enero 2020? kala ko 2021?

    ReplyDelete

Loading...

Blog Archive