General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan now in 100 days without local case of COVID-19 but with 2 imported cases from the Philippines


Taipei (Hulyo 17, 2020)- Nadagdagan ng dalawa ang imported na kaso ng COVID-19 ng bansang Taiwan matapos magpositibo ang dalawang Taiwanese National na nagtrabaho mula sa Pilipinas. Ayon sa CECC Taiwan.

Si Case 453 ay isang babae na nasa edad 20 na pumunta sa Pilipinas upang magtrabaho noon pang Disyembre, at nitong Hulyo 14 ng makaranas ng mga sintomas ng COVID-19 ang pasyente. At bumalik sa bansa nitong Hulyo 15. At kaagad naman niyang inabisuhan ang mga Quarantine Officer sa airport palang, kaya naman kaagad sumalilalim sa pagsusuri ang pasyente at doon lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19. Kasalukuyan ng nasa ospital ang pasyente at nagpapagaling at inalam at inabisuhan ang mga nakasalamuha ni Case 453.



Samantala si Case 454 naman ay isang lalaki na nasa edad 40, na umalis rin ng bansa upang magtrabaho sa Pilipinas noong Enero. At nakaramdam ng sintomas nitong Hulyo 11-13 at dumating sa Taiwan nitong Hulyo 15, kaagad rin nagbigay abiso ang pasyente sa mga Quarantine personnel hinggil sa kanyang nararamdaman. Kaya naman kaagad siyang dinala sa quarantine facility at dumaan sa pagsusuri kung saan nagpositibo siya sa COVID-19 at kasalakuyang nagpapagaling na sa ospital.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 361 ang imported na kaso ng COVID-19 sa bansa. At ngayong araw naman ang ika-100 na araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19 na nanatili sa 55 ang kabuuang bilang at pito naman ang naitalang nasawi.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive