General Information and other helpful jobs

Taiwan proudly announced its 108 days without local case of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 29, 2020)- Magandang balita mula sa CECC Taiwan, ngayong hapon ay malugod na ibinalita ni Minister of Health and Welfare and CECC head Chen Shih-chung na walang bagong lokal na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Matatandaang nagpositibo ang isang Thai migrant worker mula sa Taoyuan kung saan napositibo ito noong Hulyo 25 sa Thailand. At kaagad kumilos ang ahensya upang hanapin ang mga tao at lugar na pinuntahan ng Thai migrant worker at umabot sa 189 ang sumailalim sa COVID-19 testing at ngayong arawa ay lumabas ang resulta  na negatibo ang lahat kaya nanindigan ang Central Epidemic Command Center ngayong Miyerkules na walang lokal na kaso ang bansang Taiwan na nasa ika-108 na araw na.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa 467 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Taiwan kung san 376 dito ay imported at 55 naman ay lokal transmisyon at 36 naman mula sa hanay ng "Goodwill fleet." At pito naman ang namatay. At base sa talaan ng CECC, nasa 441 na ang mga nakalabas sa mga ospital.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive