General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan recorded 2 new local case of Dengue Fever


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 27, 2020)- Dalawang lokal na kaso ng Dengue naitala sa Taoyuan City ayon sa Center of Disease Control.

Ayon kay Deputy Director of the Department of Disease Control Zhuang Renxiang, Hulyo 10, ng unang maitala ang kaso ng Dengue sa bansa kung saan ang pasyente ay isang lalaki mula sa Taoyuan at nitong Hulyo 21 ay naospital naman ang kanyang ina nasa edad 60 kung saan nagpositibo rin sa Dengue.

Kaya naman ang Taoyuan City Health Bureau ay nagsagawa ng imbestigasyon at nagkaroon ng "clean up drive" para puksain ang pinamumugaran ng mga lamok. Gagawin nila umano ang palagiang "disinfection" sa loob ng kalahating buwan sa buong Taoyuan upang masigurong ligtas ang lahat laban sa Dengue.



Simula noong buwan ng Enero ay nagtala ng 56 na imported na kaso ng Dengue, kung saan galing umano sa Southeast Asian countries gaya ng Indonesia at Pilipinas ang mga ito.

Nagpaalala naman si Zhuang na maging malinis sa kapaligiran at linisin ang mga naka-imbak na tubig o "stagnant waters."
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive