General Information and other helpful jobs

Taiwan to confirmed 5 new imported cases of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Hulyo 28, 2020)- Matapos magtala ng apat na bagong kaso ng COVID-19 ang bansang Taiwan kahapon kung saan isang Thai migrant worker mula sa Taoyuan ang nagpositibo matapos umuwi sa Thailand noong Hulyo21 at nagpositibo noong Hulyo 25. Ayon sa Central Epidemic Command Center.

Ngayong araw ay muling inanunsyo ni  Command center spokesperson Zhuang Renxiang na may bagong limang imported na kaso ng COVID-19 ang bansa. At mamayang alas-2 ng hapon ay nakatakda ang ahensya sa press briefing upang i-ulat ang bagong kaso.

At mamaya rin hapon ayon sa kalihim ay lilinawin ang issue hinggil sa Thai national na nagpositibo. At kung sakaling makumpirma ng ahensya na sa Taiwan nga nakuha ang COVID-19 ay maituturing itong kauna-unahang lokal na kaso matapos ang mahigit isang daang araw na walang naitatala.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive