General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan will implement a mandatory COVID-19 test for passengers coming from the Philippines


Hsinchu, Taiwan ( Hulyo 24, 2020)- Simula ngayong Linggo mga pasahero mula sa Pilipinas mahigpit ng dadaan sa  mandatory testing para sa COVID-19 dahil sa tumataas na bilang ng imported case mula sa Pilipinas. Ito'y ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Ngayong araw ng Biyernes ay sinabi ng ahensya na ang bagong regulasyon ay para sa lahat Taiwan National at Resident permit holders (ARC). ayon kay Health Minister Chen Shih-chung.

Lahat ng mga pasahero na may sintomas ng COVID-19 ay agad derechong ilalagay sa government quarantine facilities at ang mga wala namang sintomas ay maghihintay ng resulta habang naka-14 days home quarantine.

Ayon sa ahensya, hinigpitan nila ang regulasyon para sa galing ng Pilipinas dahil mula ng binuksan nila ang border noong Hunyo 29, ay anim dito ang nagpositibo. Sa kabuuan ay umabot na 696 na mga pasahero ang dumating sa Taiwan mula noong Hulyo 1- Hulyo 22 ayon sa ahensya.


Ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw ng Biyernes ay  pumalo nasa 76,444 matapos magtala ng 2,103 na bagong kaso ayon sa DOH. Samantala ang Taiwan ay nagtala ng 3 imported na kaso mula sa Pilipinas ngayong araw, sa kabuuan ay umabot na sa 458 ang kabuung bilang ng COVID-19 sa bansang Taiwan.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive