General Information and other helpful jobs

Total Lockdown ang ipinatupad sa bayan sa Tarlac matapos magpostibo ang 6 na miyembro ng isang pamilya sa COVID-19



Maynila-(Hulyo 24, 2020) – Ang bayan ng Concepcion sa Tarlac ay kasalukuyang nasa ilalim ng 36-hour total lockdown matapos magpositibo ang anim na miyembro ng isang pamilya doon.

Ayon sa test results ang anim na positibo ay pawang asymptomatic at nasa quarantine facility na ngayon, ito ay ang pahayag ng mayor ng Concepcion na si Mayor Andres Lacson.
Ang lockdown ay mula alas-5 ng hapon nitong Huwebes hanggang alas-5 ng umaga ng Sabado.

Ang isang miyembro ng pamilya ay nagtatatrabo sa Casino Filipino at nakompirma na anim na pala ang positibo sa COVID-19 sa naturang lugar at dahil wala siyang mga sintomas ng sakit ay hindi niya alam na nahawa na pala niya ang kaniyang pamilya. Dahil sa nangyari ang kusang nagpa-test ang lahat ng staff ng Casino Filipino.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive