General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Transport Advocate and FEJODAP President ZENY MARANAN passes away due to cardiac arrest



Maynila-(July 12,2020) Bandang alas singko kahapon July 11,sa Ospital ng Antipolo City ng tuluyan ng binawian ng buhay ang transport leader at advocate na si Zeny Maranan 75, na aktibong nagsusulong sa kapakanan ng mga tsuper bilang presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).

Sa salaysay ng pamangkin ni Maranan na si Bobot Zapanta sa telepono na siyang nagsilbing tagapagsalita ng pamilya,pumanaw ang FEJODAP president habang naka confine sa ospital ng Antipolo City,Rizal dahil sa cardiac arrest bandang alas -5 ng hapon kahapon.

Ikinagulat ito ng kaanak ng biktima sapagkat unti unti na umanong bumubuti ang kalagayan nito pero sa di inaasahang pangyayari alas 4 ng hapon ng atakihin sa cardiac (arrest)si Maranan at pagsapit ng alas - 5 itinigil na ng doktor ang pag-revive dito.

Matagal na umanong may sakit sa puso si Maranan at posibleng lumala ang sakit nito dahil sa problema ng mga jeepney drivers sa panahon ng pandemya.Bagamat negatibo sa COVID-19 si Maranan isinailalim sa cremation ang labi nito linggo ng madaling araw dahil sa posible umanong na-expose siya sa virus habang nasa ospital,ayon kay Zapanta.

"Siguro po dinibdib din niya dahil sa kanya ang bato ng problema" ani Zapanta.

Inaasahang magkakaroon ng pagtitipon ang nga kasamahan sa grupo at supporter ni Maranan sa Lunes hanggang Martes sa Haven of Angels Memorial Chapel sa Antipolo,bago itakda ang pribadong pagluluksa ng pamilya.Samantala naiwan ni Maranan ang isang anak na nasa Amerika sa ngayon.

Bumaha naman ang pakikiramay mula sa kasamahan ni Maranan sa transport sector.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive