General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

2 Filipinos die in Beirut explosion, says DFA


Hsinchu, Taiwan (Agosto 5, 2020)- Dahil sa malagim na pagsabog na naganap sa Beirut, Lebanon kaninang madaling araw oras sa Pilipinas ay umabot sa 73 ang namatay at tinataya namang nasa 3,700 ang nagtamo ng mga sugat.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, dalawa sa 73 na nasawi sa pagsabog ay mga Pinoy. At hindi naman baba sa 6 na mga Pinoy ang nasugatan. Ang mga ito ay nasa loob ng bahay ng kanilang mga amo ng mangyari ang pagsabog.

Tinukoy ni Prime Minister Hassan Diab na ang dahilan ng pagsabog ay dahil sa nakaimbak na aabot sa 2,750 tons na mga agricultural fertilizer ammonium nitrate na matagal na panahon ng nakaimbak. Aniya may mananagot sa kapabayaan sa nangyaring pagsabog.
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive