General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Another case of COVID-19 in Taiwan came from the Philippines


Hsinchu, Taiwan (Agosto 15, 2020)- Isang kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa bilang ngayong araw ng Sabado ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Base sa kanilang press briefing ngayon hapon ng Sabado, kinumpirma ng ahensya na isang Taiwanes na nasa edad 20 ang nagpositibo sa COVID-19 matapos bumalik mula sa Pilipinas. Agosto 13 ng bumalik sa bansa kung saan nakaramdam ito ng mga sintomas ng COVID-19 at inabisuhan niya ang mga awtoridad sa paliparan. At ngayon araw ay lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID-19. Taong 2019 pa ng Agosto ng magtrabaho sa Pilipinas ang pasyente.

Sa ngayon ay umabot na sa 483 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa kung saan 388 ay imported na kaso, 55 ang lokal at 36 mula sa "Goodwill Fleet".


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive