General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Another Filipino in Taiwan tested positive of COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Agosto 2, 2020)- Huling bilang ng COVID-19 nadagdagan muli ng isang imported na kaso ayon sa CECC.

Kinumpirma ng ahensya na isang Pinay na nasa edad 20 na bibisita sana sa mga kamag-anak sa Taiwan ang nagpositibo sa COVID-19. Base sa talaan, Hulyo 31, nang pumasok sa Taiwan ang pasyente at dumiritso sa quarantine hotel, ngunit Agosto 1, nang makaramdam ito ng mga sintomas ng COVID-19, kaya naman inabisuhan ang mga awtoridad. At ngayong araw ay lumabas ang resulta na positibo sa COVID-19 ang Pinay.

Sa ngayon ay umabot na 475 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Taiwan. Kahapon ay nagtala ng 7 bagong kaso kung saan 5 dito ay galing Pilipinas at 2 rito ay pawang OFW. Ayon sa ahensya nasa 383 na ang kabuuang bilang imported na kaso ng COVID-19 sa bansa at may 55 na lokal na kaso, at  36 mula sa hanay ng Navy.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive