General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Another positive of COVID-19 from Philippines entered in Taiwan


Hsinchu, Taiwan (Agosto 4, 2020)- Ngayong araw ng Martes ay nagdagdagan ng isang kaso ng COVID-19 ang bansang Taiwan ayon sa Central Epidemic Command Center.

Naitala ang isang Taiwanese na ginang na nasa edad 50, na nakatira sa Pilipinas at bumalik sa Taiwan ngayong Agosto 2. Ayon sa ginang sumama ang kanyang pakiramdam Hulyo 30 palang ngunit hindi ito nagpatingin sa Pilipinas at pagkadating sa Airport ay agad niya sinabi sa mga awtoridad at doon ay kinuhanan siya ng samples at dinala sa quarantine facility. At ngayong araw ay lumabas ang resulta na positibo nga ito sa COVID-19.

Simula ng ipatupad ang full screening sa mga galing Pilipinas noong Hulyo 26 ay umabot na sa 10 ang naitalang nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon ay umabot na 476 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa kung saan 384 dito ay galing sa ibang bansa at 55 naman anglokal at 36 mula sa Dunmu Fleet. At isa naman ay pending pa dahil iniimbistigahan pa ng CECC.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive