General Information and other helpful jobs

CECC Taiwan confirmed 2 out of 5 tested positive of COVID-19 from the Philippines are OFWs


Hsinchu, Taiwan (Agosto 1, 2020)- Unang araw ng Sabado buwan ng Agosto ay pito agad ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansang Taiwan ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Ang case 469 ay isang Belgian National, lalaki na nasa edad 20 na pumunta sa Taiwan upang magtrabaho noong Mayo 3 at umuwi sa kanilang bansa noong Hulyo 29 at kasaluluyang nasa ospital dahil nagpositibo sa COVID-19. At nasa 89 na mga contact ang inaalam ng ahensya kung saan 82 dito ay nasa isolation na at 7 naman ay nag-self quarantine. Hindi pa matukoy ng CECC kung lokal na kaso nga ba o imported ito sa ngayon habang hindi pa lumalabas ang resulta ng na-quarantine.

Ang case 468 naman ay isang Guatemalan na lumapag sa Taiwan noong Hulyo 26, kung saan nakaramdam ito ng mga sintomas ng COVID-19. At ngayong araw ay lumabas sa resulta na positibo ito.



Ang case 470 ay isang Pinoy crew na lumipad mula Pilipinas patungong Hong Kong na nag-stop over sa Taiwan noong Hulyo 18. At case 473 ay isang OFW na pumasok sa Taiwan noong Hulyo 15 na sumailalim sa quarantine at nakaramdam ng mga sintomas at ngayong araw ay lumabas ang resulta na positibo sa COVID-19. 

Ang case 471,472,at 474 ay pawang mga Taiwanese na galing sa Pilipinas na nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon ay umabot na sa 474 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Taiwan kung saan mula buwan ng Hulyo ay 15 dito ay galing sa Pilipinas.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...