Isang ilegal recruiter natiklo ng mga awtoridad
Hsinchu, Taiwan (Agosto 5, 2020)- Timbog noong Lunes ang isa sa top executive ng MGR Worldwide Travel and Tours Agency matapos ikasa ang isang entrapment operation sa Rosario, Cavite.
Ayon sa imbestigasyon lumalabas na nag-aalok ang travel agency ng trabaho bilang factory worker at production worker patungong Taiwan, New Zealand, at South Korea kapalit ang placement fee na P72,500 ayon sa mga nabiktima.
Marami ng reklamo ang natatanggap ng Commission On Filipinos Overseas hinggil sa isang napakalaking recruitment scam online. Kaya naman isinagawa na ang isang entrapment operation ng CIDG Manila. Matapos tanggapin ang mark money mula sa isa niya sanang aplikante ay doon hinuli ang suspek.
Nasabat mula sa suspek ang 43 pasaporte ng ibat-ibang mga tao,mga biodata at 3 computer. Napag-alaman rin mula sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA), na walang kaukulang permit ang ahensya upang magsagawa ng job recruitment.
Mahaharap ngayon ang suspek sa large-scale estafa at paglabag sa Migrant Workers Act. At pinaghahanap na rin sa ngayon ang mga ahente ng nasabing ahensya.
-
photo of PHIVOLCS A Lava fountain has erupted at the main crater of Taal Volcano as of 3:20 a.m. and continuously erupting ashes and s...
-
Mga OFW na uuwi ng Pilipinas hindi na dadaan sa 14 days quarantine. Ito'y inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWW...
-
Hongkong (Oct. 6, 2019) - The uncontrolled situation in Hongkong paralyzes the business establishments and Public Utilities. Yesterday t...

sa wakas nahuli din ang mastermind nila c marygrace rebullado and mayari nyan ng MGR travel agency karma is real
ReplyDelete