General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang Pinay mula Taiwan positibo sa COVID-19


Hsinchu, Taiwan (Agosto 26, 2020)- Isang Pinay mula sa Taiwan ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Pilipinas ayon sa Central Epidemic Command Center.

Ngayong araw ng Miyerkules ay kinumpirma ng CECC na isang Pinay na nasa edad 30 ang nagpositibo sa COVID-19, Agosto 19 ng umuwi ang nasabing pasyente mula sa Taiwan at Agosto 21 ng lumabas ang resulta na positibo ito. Nasa 21 naman katao ang na-trace ng ahensya na nakasalamuha ng pasyente. Nasa 20 ang sumailalim sa pagsusuri at dalawa rito ay lumabas na ang resulta kung saan negatibo naman. At ang iba ay hinihintay pa ang resulta. Samantala ang isa naman ay nag-self isolation na.

Ayon sa CECC, ipinarating umano sa kanila ang balita sa pamamagitan ng World Health Organization National IHR focal point.

Samantala nanatili pa rin sa 487 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa at 55 dito ay lokal transmission, 395 ay imported case. At 36 ay mula sa hanay ng Navy.

Sa ngayon ay 462 na ang gumaling at nasa 18 pa ang mga nasa ospital at nagpapagaling.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive