General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

MediaTek appeals to U.S. Government to supply chips to Huawei in China


Hsinchu, Taiwan (Agosto 30, 2020)- Kumpanya ng MediaTek Inc. sa Taiwan na isa sa pinakamalaking kumpanya na gumagawa ng "IC design house" ay aapela sa gobyerno ng Estados Unidos upang makapag-supply ng mga IC product sa China's Huawei Technologies Inc.

Matatandaang mas pinaigting pa ng Estados Unidos ang sanction laban sa Huawei kung saan bawal na silang bigyan ng mga IC ng mga kumpanyang nasa ilalim ng International Trade. At base sa International trade regulation ng Estados Unidos ay bawal ang kumpanya na magbenta ng anumang IC sa Huawei Technologies Inc..

Kaya naman aapela daw ang kumpanyang MediaTek Inc. sa gobyerno ng Estados Unidos kung pwede silang makapag-supply ng produkto. Ngunit sa ilalim ng ng "expanded restrictions" ang MediaTek ay hindi makakapag-supply ng chips sa Huawei simula Septyember 14.

Ang "expanded restriction" ay kinabibilangan ng mga "affiliates companies" kung saan nasa 152 kumpanya na ang nasa listahan ng U.S. Department of Commerce na bawal mag-supply ng produkto sa Huawei.

Sa tensyon ng Washington at Beijing ay marami ng kumpanya ang naapektuhan sa buong mundo lalo na ang mga kumpanya sa Taiwan kung saan kilala ang bansa bilang Electronic Hub ng asya. Libo-libo ring mga OFW ang nawalan ng overtime at ang iba ay nawalan ng trabaho dahil sa tensyong nagaganap sa pagitan ng dalawang bansa.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive