General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan recorded new case of COVID-19 from the Philippines



Hsinchu, Taiwan (Agosto 29, 2020)- Isang kaso ng COVID-19 ang nadagdag ngayon sa bilang sa bansa matapos magposotibo ang isang lalaki mula sa Pilipinas. 

Ayon kay Spokesperson ng Central Epidemic Command Center, Zhuang Renxiang, isang lalaki Taiwanes na nasa edad 40 na nagtrabaho sa Pilipinas noon pang Pebrero at bumalik sa Taiwan nitong Agosto 29 lamang. Agosto 20, ng makaramdam umano ng sakit sa lalamunan ang pasyente ngunit hindi nagpatingin sa Pilipinas. At sa Airport ay nakumpleto niya ang procedures bago dalhin sa Central Quarantine at ngayon araw ay lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID-19. Kasalukuyang ito nasa ospital at nagpapagaling.

Samantala nasa 16 namang katao na mga nakasalamuha ng pasyente ang inabisuhan ng ahensya kasama dito ang mga crew ng sinakayang eroplano.

Sa ngayon ay nasa 488 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa. Kung saan 396 dito ay imported at nanatili pa rin sa 55 ang local case at 36 mula sa "Dunmu fleet".


 

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive