General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Anim sa mga OFW umuwi mula Taiwan nagpositibo sa COVID-19



 Hsinchu, Taiwan ( September 16, 2020)- Ngayong araw ng Miyerkules kinumpirma ng Taiwan's Central Epidemic Command Center (CECC) na anim sa Pinoy na umuwi mula Agosto 28 hanggang September 11 ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa press briefing na isinagawa ngayong hapon inihayag ni Minister of Health and Welfare and CECC head Chen Shih-chung na 4 sa mga positibo ay kinumpirma sa kanila ng Philippines' World Health Organization's National IHR Focal Point at ang dalawa naman ay kinumpirma ng employer na nagpositibo ang mga ito. 

Samantala isa sa anim na nagpositibo, na limang pinay at isang pinoy ay nakaranas ng lagnat ang iba ay asymptomatic. Sa ngayon ay nagsagawa na ng contact tracing ang ahensya at nasa 113 ang sumailalim sa pagsusuri kung saan 23 rito ay lumabas na ang resulta at negatibo. At iba ay inaantay pa ang resulta.


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive