General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Bilang ng COVID-19 sa Pilipinas lumagpas na sa 261,000


Hsinchu, Taiwan (September 13, 2020)- Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas lumagpas na sa mahigit 261,000 matapos magtala ng 3,372 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw ayon sa inilabas na ulat ng DOH kaninang alas 4 ng hapon.

Ayon sa DOH umabot na sa 261,216 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa kung saan 49,277 ay aktibo.

Nangunguna pa rin ang mga lugar ng NCR, Calabarzon, at Central Luzon ayon sa DOH.

At ngayog araw rin ay inanunsyo ng DOH na aabot sa 20,472 ang mga gumaling sa COVID-19 kaya sa kabuuan ay nasa 207,568 na ang mga gumaling.

Samantala nagtala naman ng 79 patay ngayong araw kung saan sa kabuuan ay umabot na 4,371 ang bilang ng mga nasawi.

Sa buong mundo ay umabot na sa 28 milyon katao ang dinapuan ng COVID-19 at umabot na sa 906,000 ang mga nasawi.
Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive