General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang Pinay dumating sa Taiwan positibo sa COVID-19


Hsinchu, Taiwan (September 14, 2020)- Isang Pinay ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 ang dumating sa Taiwan upang magtrabaho ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Ayon kay CECC Spokesman Chuang Jen-hsiang, ang bagong pasyente ay isang Pinay na dumating sa Taiwan noong September 10 upang magtrabaho. Ayon sa CECC, ang Pinay ay asymptomatic ng dumating sa Taiwan, matapos ang pagsusuri ay agad itong dinala sa quarantine center at September 14, lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID-19.

Inabisuhan na ng CECC ang broker at iba pang mga tao  na nakasalamuha at nakatabi sa eroplano.

Sa ngayon ay nasa 499 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Taiwan kung saan 55 ay lokal na transmission at 407 dito ay imported, at 36 naman ay mula sa "Goodwill fleet."

Samantala nasa 16 nalang ang nasa mga ospital at nagpapagaling.
Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog Archive