General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

MOL Taiwan pushes renewal of workers than hiring new workers amid of COVID-19 pandemic


Ayon sa Ministry of Labor, hinikayat nito ang mga employer na i-renew ang mga kontrata ng mga migranteng empleyado na nasa Taiwan, sa halip na mag-hire ng mga bagong manggagawa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Deputy Labor Minister Liu Shih-hao, may karapatan ang mga employer sa Taiwan na pagbawalan ang kanilang mga manggagawa na umalis sa bansa.
Aniya, sa ilalim ng kanilang labor contracts ang mga empleyado at employers ay mayroong obligasyon sa isa't-isa na kung saan maaari itong i-grupo bilang isang pangunahin at pangalawang obligasyon.

Sinabi ni Liu, para sa mga Employers ang kanilang pangunahing obligasyon ay ang pagbabayad ng sahod sa mga empleyado habang ang kanilang pangalawang obligasyon ay kabilang ang pagsisiguro ng kaligtasan sa lugar ng trabaho at pag-iwas sa aksidente.

Aniya, pangunahing obligasyon ng mga empleyado ay ang magbigay ng trabaho habang ang kanilang pangalawang obligasyon ay kasama ang hindi pagsali sa pag-uugali na maaaring makapinsala sa pagpapatakbo ng kanilang mga employer. Ang pagbabawal sa pagbabyahe ng mga empleyado ay maaaring ipataw sa ilalim ng mga tuntunin ng pangalawang obligasyon sa magkabilang panig.

Iniutos din ng labor ministry na ang mga migranteng manggagawa na papayagan na makapasok sa Taiwan ay sa Taoyuan International Airport or Kaohsiung International Airport lamang na kung saan kailangan silang mag-report sa Ministry of Labors Foreign Workers Seevice Stations at bawat isa sa kanila ay bibigyan ng surgical masks.


Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive