General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Pagbili ng COVID-19 vaccine ng Taiwan sa COVAX malabong mangyari dahil hindi ito kaalyado ng WHO?


Hsinchu, Taiwan(September 13, 2020)- Bansang Taiwan planong bumili ng COVID-19 Vaccine mula sa Global Covid-19 Vaccine Supply Platform (COVAX). Ayon kay Minister of Health and Welfare Chen Shizhong.

Inihayag kahapon ng kalihim na bibili sila at magkakaroon ng sign agreement sa darating na panahon. Subalit kinontra naman ito ni dating Director ng Disease Management Bureau na si Su Yiren na huli na ang lahat. Dahil umano'y ngayon lang nagpakita ng intensyon ang bansa. At isa pa ay malabo daw ito mapagbigyan ang Taiwan dahil hindi ito miyembro ng World Health Organization (WHO).

Aniya ang COVAX ay nasa ilalim ng organisasyon ng Global Alliance for Vaccines and Immunization (GAVI) na inorganisa ng WHO kaya malabo umano ito at sa ngayon ay nasa 165 na bansa na ang sumali sa ginagawang clinical trial ng COVAX kung saan nasa stage 3 na sa pagsusuri.

Dadag pa ni Yiren na maaring harangin ng kaalyadong bansa ng WHO ang pagbili ng Taiwan ng bakuna dahil hindi ito kinikilalang miyembro ng World Health Organization.

Nakatakdang ilabas na ng COVAX ang kanilang bakuna ngayong darating na Nobyembre ayon sa ulat.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive