General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Senador Manny Pacquiao babayaran ang 13 TV Channel para maipalabas ang mga lesson ng DepEd



Hsinchu, Taiwan (September 13, 2020)- Good news, dahil sa darating na pasukan at nasa new normal na, Senador Manny Pacquiao sagot na daw ang 13 TV Channel para sa pagpapalabas ng mga aralin nationwide.
Ayon sa kay Senador Pacquiao, dahil galing siya sa hirap ay ramdam niya ang pangangailangan ng mga bata lalo na sa edukasyon ngayon na hindi kaya sabayan ng mga bata na nasa liblib na mga lugar na kailangan pang gamitan ng internet.
“Galing ako sa hirap kaya alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral at mga magulang nila,” sabi ni Pacquiao.
Dagdag pa ng Senador na hindi naman buong bansa ay abot o may signal ng internet.
“Alam ko rin na hindi pa 100% coverage yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit me pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa rin nakakasiguro na aabot sa ‘yo ang mga aralin buhat sa DepEd,” dagdag pa niya.
Kaya ayon kay Senador Manny Pacquiao sa tulong ng telecommunication industry ay nagawan nila ng paraan upang mapalabas ang mga aralin ng DepEd sa 13 TV Channels. Babayaran lahat ng Senador ang Airtime sa 13 TV Channel ang ipapalabas na mga aralin.
“Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para me magamit na 13 TV channels ang DepEd nang walang gastos buhat sa gobyerno at mga estudyante.
“Kaya wala nang dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan,” ani Sen. Pacquiao.
“Kung saan ako muntik nang magkulang, maaga kong pupunuan. Dahil napakahalaga ng pag-aaral para sa kinabukasan ng ating mga kabataan,” aniya pa.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive