General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan called to unite against China after several intrusions and aggression in the country

 


Hisnchu, Taiwan (September 19, 2020)- Air Defense ng Taiwan naka-monitor sa mga hakbang ng China matapos manghimasok ang sa kanilang Air defense identification zone (ADIZ) ang nasa dalawang H-6 bombers, walong J-16 fighters, four J-10 fighters at apat na J-11 fighters kahapon.

Nanawagan kahapon si Taiwan Premier Su Tseng-chang sa lahat ng mga Taiwanes na magkaisa laban sa totoong kalaban (China).

The people of Taiwan, regardless of their political party lines, should come together as one and see who the "real enemy" ayon kay  Premier Su Tseng-chang (蘇貞昌).

Matatandaang kahapon ay ilang beses na pumasok sa himpapawid na sakop ng bansang Taiwan ang mga Chinese Aircrafts kung saan agad namang pinakilos ng Taiwan ang kanilang Air Defense upang palayasin sa himpapawid ng Taiwan ang mga Chinese Aircrafts.

"ROCAF scrambled fighters, and deployed air defence missile system to monitor the activities." base sa tweet ng Taiwan Air Defense. 

Kinokondena ng Gobyerno ng Taiwan ang labis na panghihimasok ng China sa kanilang bansa lalo na ngayong may bisita silang pinakamataas na opisyal mula sa Estados Unidos. Si U.S. Under Secretary of State Keith Krach ay nasa Taiwan para sa tatlong araw na "State visit."

Ngunit bago pa man ang napabalitang pagbisita sa isa sa pinakamataas na opisyal ng U.S. sa Taiwan ay nagbigay ng abiso ang China na magkakaroon sila ng Military Air drill, bagay naman na pinuna ng Taiwan dahil kung kelan may bisita silang mataas na opisyal ay saka naman ito gumawa ng military drill at ang masama pa ay pumasok sa kanilang Air defense identification zone (ADIZ).

Ayon naman kay Taiwan presidential spokesman Xavier Chang (張惇涵), ang pagiging agresibo ng China sa kanilang "provocative military exercise" ay nagpapakita lamang ng kanilang tunay na kulay. 

"As part of the Asia-Pacific region, China has a responsibility to work for peace and stability in the region, rather than becoming a regional aggressor", pahayag ni presidential spokesman Xavier Chang.

Samantala nanawagan naman si  Taiwan's foreign minister Joseph Wu sa International community na tulungan silang depensahan ang bansang Taiwan laban sa China. 

Taiwan was "on the front line defending democracies from being taken over by the communist China" and needed help from other countries, Taiwan has been intensifying its military threat against Taiwamn. And more than 30 Chinese military planes have recently crossed into Taiwan's air defense identification zone." payahag ni Wu.

"We have been trying very hard in the last few years to beef up our own defense capabilities and at the same time we also want to let the international community understand that Taiwan as a democracy has been threatened by China, which is an authoritarian country which is trying to expand its influence." dagdag pa niya.

Kaya humingi si Wu ng suporta mula sa International community na depesahan ang bansang Taiwan laban sa abusadong gobyerno ng China.

"We feel that like-minded countries or fellow democracies need to pay more attention to this area and come to each other's help so that China's expansionist motivation can be deterred." pahayag ni Wu.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive