General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Aabot pa sa 47,000 OFW na nawalan ng trabaho at nakatakdang iuwi ng DFA mula sa Middle East

Dahil sa global pandemic na nararanasan sa buong mundo ay maraming kabuhayan ang naapektuhan at nawalan ng trabaho kasama na dito ang aabot sa 47,000 na mga OFW sa Middle East na naghihintay ng kanilang mga flights pauwi ng Pilipinas ayon sa Department of Foreign Affairs.

"As of now, we're still looking at around 47,000 Filipinos stuck in the Middle East. We're just waiting for our SARO actually (Special Allotment Release Order)," ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola sa pagdinig ng Senado sa hinihinging P21.96 bilyon na budget ng DFA 2021.

Sa pagpasa ng ng Bayanihan to Recover as One Act ay malaking tulong sa ahensya dahil aabot sa P820 milyon ang alokasyon nito para sa mga OFW, kung saan gagamitin ang pera sa pagbibigay ayuda sa mga OFW at kasama na dito ang gastusin na hinihingi ng mga employer para sa pagpauwi ng mga kanilang mga trabahante.

"Some of the employers would ask us for the deployment costs which as of now we're also doing but quietly. If we don't do that, we won't be able to bring them home. Once we get our SARO, we will resume our flights because we've been chartering already a lot of flights. We've already chartered 57 flights using our original Assistance to Nationals (ATN) fund," paliwanag ng opisyal.

Ayon naman kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr hindi lubhang apektado ang sektor ng mga domestic helper sa pagkawala ng trabaho dahil karamihan ng nawawalan ng trabaho ay ang may matataas na position.

"The jobs that we are losing in the Middle East are the better ones—the engineers because the projects have ended. Those higher and more skilled jobs have been lost and it doesn't look like they'll be coming back anytime soon," pahayag ni Locsin.

Sa kabuuan ay umabot na sa 208,000 mga OFW ang naiuwi ng ahensya sa Pilipinas ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola.


Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive