General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Arestado ang isang Pinay DH sa Hong Kong matapos magnakaw ng mga alahas sa kanyang amo

Hong Kong (October 22, 2020)- Isang Pinay domestic helper naman sa Hong Kong ang hinatulan ng apat na buwang pagkabilanggo matapos magnakaw ng 13 pirasong mga alahas mula sa kanyang amo na walong tao na niyang pinagsisilbihan.

Inamin ni Mrs. Ramos, na ninakaw niyo umano ang mga alahas na nagkakahalaga ng HK$113,000. Nakuha sa kanyang bag ang anim na ticket kung saan nakasanla sa dalawang pawnshop ang mga nasabing alahas.

Ang mga ninakaw umano ay 2 pendant, 7 singsing, 3 bracelet at isang paris ng hikaw at naisanla niya lahat sa halagang HK$23,550 lamang. Subalit isang paris nalang ng hikaw ang na-recover sa sanlaan.

Sa ngayon ay nakakulong na ang Pinay domestic helper

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive