General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Bansang Taiwan nagsagawa ng ground-to-air missile test bilang paghahanda

 


Taipei, Taiwan (October 29, 2020)- Ikinagulat ng mga residente ng Yilan County at Pingtung County ang kanilang narinig sa himpapawid kahapon ng umaga ng magsagawa ng missile test ang National Chung-Shan Institute of Science and Technology (NCSIST, 國家中山科學研究院) kung saan dinig ang nangyaring "missile firing" hanggang 20 kilometro layo ayon sa mga residente.

Ayon sa NCSIST nagsagawa sila ng ground-to-air missile test sa mga lugar ng Yilan County's Su'ao Township at Jiupeng Base sa Pingtung County ayon sa ulat ng lokal news na CNA.

Matatandaang nagdeklara ang bansang Taiwan ng “Combat Readiness Week” bilang paghahanda dahil sa napapadalas ng panghihimasok ng China sa himpapawid ng air defense identification zone (ADIZ) ng Taiwan.





Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive