General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Bilang paghahanda, yerong bubong nilagyan ng palatandaan bago sumapit ang bagyong "Rolly"

Albay, Philippines (November 1, 2020)- Bilang paghahanda sa Super Typhoon "Rolly" isa sa mga residente ng Barangay Tagbong sa Pili, Camarines Sur nilagyan ng pangalan ang yerong bubong.

Nilagyan ng pangalan ni Ronnie Sta. Ana ng Pili, Camarines Sur ang bubong ng kanyang babuyan bago pa man sumapit ang super typhoon. Aniya maraming beses na siyang nawawalan ng yerong bubong tuwing may bagyo kaya naman pakiusap niya sa makakapulot ng kanyang yero pagkatapos ng bagyo ay isauli umano ito.

Base sa ulat ng PAGASA ngayong 5:00 ng umaga nakataas na sa signal no.5 sa mga lugar ng Catanduanes, Eastern Camarines Sur, at Albay. Naging ganap na Super Bagyo si "Rolly" kaninang alas 2:00 ng madaling araw.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive