General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

CCP Chairman Xi stresses PLA Navy Marine Corps to prepare for war



China (October 14, 2020)- Dahil sa walang habas na pangangamkam ng teritoryo ng China dumami ang galit na bansa lalo na ang mga karatig teritoryo nila gaya ng bansang Taiwan, India at iba pang mga bansa sa Indo Pacific.

At dahil ramdam na ramdam ng China ang galit dahil sa away teritoryo sa mga inaangkin nilang teritoryo nila umano, nitong Martes bago pa man magtungo sa South China sa Guangdong Province, si China Communist Chairman Xi Jinping ay binisita niya muna ang mga  Chinese People's Liberation Army (PLA) Navy Marine Corps sa Chaozhou kung saan hinimok niya itong mas palakasin pa ang pwersa at maging handa sa anumang giyera.

"The Marine Corps should focus on war preparedness and combat capabilities, and maintain a high level of readiness, adding that the force should stick to combat-oriented training and strengthen mission-oriented training tailored to the specific needs and force-on-force training." ayon kay Xi.

Ayon pa kay Xi na Central Committee at chairman of the Central Military Commission (CMC), na kailangang maging malakas ang hanay ng Navy dahil ito isang elite force para amphibious operations kung saan nakasalalay sa kanila ang seguridad ng bansa pagdating sa territorial integrity, maritime interests, at overseas interests.

Ayon naman kay Song Zhongping, a isang Chinese military expert at TV commentator, sinabi nitong Martes sa Global Times na isang state run media ng China na itong pagpapalakas sa Navy ay malaki ang magiging papel upang manalo laban sa Taiwan.

"Improving the capability of the Marine Corps to win the battle is also an important task, if it needs to use military means to solve the Taiwan question", ayon kay Song.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng limang araw na Military drill ang PLA sa east ng Gulei Peninsula sa Fujian Province kaharap ng Taiwan na magtatapos sa October 17.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive