General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Dalawang "Air mobile defense missile" na ipinosisyon sa Chiayi ikinagulat ng mga Netizen

 

Chiayi, Taiwan (October 30, 2020)- Dalawang Air mobile defense missile tumambad sa mga motorista kahapon sa kahabaan ng Minsheng Road sa Chiayi. 

Ayon sa mga Netizen, dalawang car missile ang nakaposisyon sa 60 degrees at walang mga nakabantay na sundalo sa lugar ayon sa mga nakakita.

Ang litrato ay umani ng samo't saring mga reaksyon online. Ang iba ay nag-isip kung simula na ito ng giyera laban sa China. Matapos ang insidente ay agad namang dumating ang mga sundalo upang kordonan ang lugar.

Paliwanag naman ng MinTv News, ang dalawang dambuhalang missile defense ay ipinosisyon sa 29th requisition area sa Huzi, Chiayi dahil sa isinasagawang military drill.

Matatandaang noong isang araw ay nagpalipad rin ang bansang Taiwan ng kanilang missile rocket upang suriin at ihanda sa hinaharap.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive