General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Disiplina, kaya nasa ika-200 na araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19 ang bansang Taiwan

 


Taipei, Taiwan (October 30, 2020)- Sa gitna ng banta ng COVID-19, Kahapon araw ng Huwebes kung saan ipinagmamalaki at minarkahan ng Central Epidemic Command Center (CECC) ang ika-200 na araw na walang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19.

Abril 12, pa ng huling magtala ng lokal na kaso ng COVID-19 ang bansa. Ayon sa ahensya ang maagang pagsasara ng kanilang mga pantalan at paliparan, maagap na contract tracing at pagpapatupad ng mahihigpit na regulasyon laban sa COVID-19. At higit sa lahat ang kooperasyon ng bawat isa ay naging susi upang labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang bansang Taiwan masasabing isa sa naging matagumpay upang masugpo ang pandemya. Kung saan halos hindi naapektuhan ang ekonomiya at walang lock down na nangyari, tanging disiplina lang ng mga tao ay masasabing matagumpay na ito.

“Taiwan is the only major country that has so far been able to keep community transmission of Covid eliminated, probably had the best result around the world, and it’s “even more impressive” for an economy with a population about the same size as Australia’s, with many people living close to one another in apartments." ayon kay Peter Collignon, isang infectious disease physician at professor sa Australian National University Medical School.

Sa kasalukuyan ay 553 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Taiwan, 55 dito ay lokal na kaso at pito naman ang naitalang namatay.



Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive