General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Inutang na pera ng tatlong aplikante pa Taiwan natangay ng scammer

 

Hsinchu, Taiwan (October 1, 2020)- Unang araw ng buwan pero balisa pa rin ang tatlong aplikante pa Taiwan matapos matangay ang malaking halagang perang hiniram nila mula sa isang lending company, 

Nakatakda sana nilang ipambayad ang inutang na pera ngunit dahil nakumbinsi sila sa kwento ng kapwa nila aplikante kung saan pwede daw makautang ng pera na babayaran sa peso to peso kaysa Taiwan dollar to peso. 

Kwento ng mga complainant na sina Jean Mangabat, Mafie Samarita, at Therese Yanga. Nakumbinse sila umano ni Patricia Mara Satuito na nakasabay lang nila sa pag-apply, ayon sa kanila hinimok umano sila ni Patricia na maglending nalang sa nagnangalang Queenie Sarmiento kasi peso to peso daw ang bayaran sa nasabing lending.

Bago pa man ma-release ang kanilang nautang na pera sa isang legit na lending company ay nakatanggap ang tatlo ng abiso mula sa nagpakilalang Queenie Sarmiento na may-ari umano ng peso to peso lending company, na mapagpapdala daw ito ng tauhan sa araw ng release ng pera upang ma-proseso na agad ang nakapagkasunduang peso to peso loan. At nangakong kakanselahin ang kanilang utang sa inutang lending company dahil meron daw itong staff sa loob ng inutangan nilang lending company.

September 22 ng ma-release ang pera ng tatlong complainant at may sumundo sa kanilang staff umano siya ni Queenie Sarmiento na nakilala naman sa ngalang Abigail Fabrigas. Hapon ng araw ring iyon ay nakuha nila Abigail ang pera at kinagabihan dahil sa masama na ang kutob ng tatlo ay naisipan nilang i-text si Queenie upang mag-back out. September 23, nang nag-reply si Queenie sa kanila ngunit marami na itong alibi, at hindi na daw pwedeng mag-back out kung hindi ay sila pa ang idedemanda. 

September 23, ay nagsumbong na sila sa inutang nilang lending company kung saan ipinakita nila ang picture ng kanilang inabutan ng pera. Nakilala naman ng staff ng nasabing kumpanya si Abigail Fabrigas kung saan may utang rin ito sa kanila at isa rin kasabwat na si Patricia ay meron din pala itong malaking utang mula sa kaparehong lending company kung saan pinaghahanap na ito dahil hindi makabayad.

Nag-aabutan ng envelop na may lamang pera kay Abigail


September 24, nang i-set up ng mga pulis sa tulong ng nasabing lending company at doon ay nahuli si Abigail Fabrigas sa isinagawang entrapment operation. Pinaghahanap pa umano ng mga awtoridad si Patricia Mara Satuito upang harapin ang reklamo sa kanya at yung Queenie.

Sa ngayon ay nagpapakalat pa rin sa mga social media si Qeenie Sarmiento at binabaliktad ang mga pobreng aplikante at tinatakot na idedemanda daw ang mga ito at kumikilos na ang kanyang kampo para sa pagsampa ng kontra demanda. Kasama na dito ang mga naging witness ng mga complainant na si Lito Cabintoy at Leo Villardo ay hinaharass ng suspect na idedemanda umano.

Hamon naman ng mga biktima lumantad siya at pangalanan niya ang sinasabi niyang lending company upang magkaalaman na kung sino ang nagsisinungaling sa kanila.


Disclaimer: Ang artikulo na ito ay buong salaysay ng mga complainant at ang lahat ng nabanggit na umanoy scammer ay mananatiling susupek o inosente habang hindi pa napapatawan ng karampatang parusa ng korte.


Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive