General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isa sa nakatanggap ng libreng "vaccine flu" sa Taichung City kritikal ang lagay

Taichung, Taiwan (October 26, 2020)- Isang kaso na inuugnay sa free vaccine flu, kung saan nakaramdamam daw ang pasyente ng pamamanhid sa kamay at panghihina, masakit ang lalamunan at hirap makahinga.

Kasalukuyang sinusuri pa rin at ipinagbigay alam na cDC ang reklamo ng isang pamilya sa Taichung. Ayon sa anak ng pasyente, dalawang araw matapos daw makatanggap ang kanyang ama ng libreng vaccine flu ng gobyerno sa Fengyuan at umakyat ito sa Hehuan Mountain ay doon nakaramdam na ito ng masama sa katawan na akala nila ay simpleng sipon lang, subalit dumadaing ang kanilang ama sa pamamanhid ng kamay, panghihina, masakit ang lalamunan at hirap huminga.

Kasalukuyang nasa kritikal umano ang lagay ng pasyente matapos makitaan ng Acute polyneuritis o Guillain-Barre syndrome at nasa intubation treatment sa ICU. Iginiit ng pamilya na walang umanong sakit ang kanilang ama at lumabas lang daw ito matapos mabakunahan.

Ayon naman kay Taichug City Health Bureau Tsang Tse, mahirap pa daw ngayon sabihin kung dahil nga ba sa free vaccine flu ang sanhi ng sakit ng pasyente.Nakatakda namang alamin kung may nakaranas ba sa parehong karamdaman ang mga nasa "batch" ng vaccine flu na kasabay ng pasyente. 

Lalo pang nababahala ang pamilya dahil sa South Korea umano ay nasa 36 na ang iniuugnay namatay dahil sa libreng bakuna.

Matatandaang isinusulong ngayon ng gobyerno ng Taiwan ang libreng bakuna laban sa flu lalo na't malapit na ang winter season kung saan uso naman ang sipon. 

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive