General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang Caregiver nahuling sinasaktan ang kanyang alagang matanda!



 Hsinchu, Taiwan (October 1,2020) - Isang foreign Caregiver huli sa camera kahapon matapos maaktuhang sinasaktan ang kanyang alagang matanda sa isang parke sa New Taipei.

Nakuhanan ng isang netizen sa Linkou District sa New Taipie City ang isang caregiver na kinukurot sa singit ang matanda at sinasabunutan.

Kaagad naman ng viral ang nasabing video kung saan isinuplong na umano ito sa mga pulis ang nangyaring insidente at naidulog na rin Local Labor Bureau. At doon napag-alaman na wala pa umanong isang buwan ang nasabing caretaker kaya naman bawal daw itong patawan ng parusa. At ayon kay Chen Shengcong, head ng Foreign Labor Service Section of the Labor Bureau ng Linkou ay maaring hindi pagkakaintindihan lang ang naging dahilan ng pananakit ng caregiver.



Pinaalahanan naman ng Labor Bureau ang pamilya ng biktima na kung meron pang pananakit o ano pa mang gawin ng caregiver ay maari tawagan agad ang ahensya para maaskyunan na umano kung ano man hindi pagkakaunawaan.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive